1. Right now…

    Lahat ng nararamdaman ko ngayon….

    Sabi ko tinatamad na akong mag blog, I have nothing to write about my boring life, alangan isulat ko pa dito ang araw araw kong pag lilinis ng bakuran namin at pag aalaga ko sa aking anim na aso? Ang mga hapong panonood ng T.V. pag i internet at pakikipag chat sa mga kaibigan ko sa BBM?

    Nawalan ako ng interes sa maraming bagay lately, minsan parang tinatanong ko na rin yung sarili ko, “ako ba to?”

    Been through a lot of failures too… Bumagsak ako sa exam na kinuha ko which sucks kasi hindi ko alam kung bakit pa ako bumagsak eh nag aral naman ako and I find it fair, not that hard, not that easy… 

    Tapos ang lagi kong nakaka kwentuhan, the guy who knows almost everything about me bails on me…

    OO, iniwan ako ng isang taong mahal ko at malapit sa akin, turns out hindi talaga magandang haluan ng pag-ibig ang friendship…

    Pareho kayong talo, regret ko lang, hindi ko siguro naparamdam sa kanyang mahal ko sya, kasi iniisip nya na frienendzone ko sya and everything but the truth is, ang gusto kong sabihin sa kanya eh sana kahit lovers na kami eh ituring parin naming kaibigan ang isa’t isa para hindi masyadong pressure.

    He just wouldn’t get that, tapos dinelete nya ako and the rest is hard and I’m still moving on.

    Since naisingit ko ang kwento, eh itutuloy ko na…

    Masakit pala na mag mahal ka ng hindi mo alam kung totoo ba lahat ng naganap oh nagamit ka lang, yung taong akala mo kilalang kilala mo na eh parang naglahong bigla at ibang tao na pala yung taong akala mo eh kilala mo.

    Pero nung binura nya ako, ang naramdaman ko kakaiba…

    Kapag binura ka pala ng isang tao, dapat instant alam mo na kung saan ka naka lugar, wag mo na dapat ipilit pa ang gusto mo kasi binura ka na eh, dapat yun palang alam mo na na hindi ka na nya gustong maging parte ny buhay nya…

    BURADO KA NA EH….

    Yun nga lang masakit pa rin….

    Pero makaka move on din ako, ganun naman ang cycle diba?

    May panahon para malungkot, kiligin, ma in love, maging masaya…

    At sana sa susunod na pagkakataong mahulog ako, yun na talaga yun.

    Pero alam ng puso kong hindi pa talaga ngayon ang tamang panahon para umibig ako ulit…

    Pero natatandaan nyo ba ang kwento ko tungkol sa LUCKY CHARM ko?

    Sya yung taong, ewan ko ba, hulog talaga ng langit na palaging nandyan kapag malungkot ako, parang may radar sya at alam nyang malungkot ako sa panahon an to kaya andyan sya para aliwin ako, patawanin, alam nya kung ang ngiting pinapakita ko sa kanya eh totoo o peke…

    Sya yung taong mahal ko pero hindi ko pwedeng mahalin?

    Mahal ko in a way na alam kong hindi sa paraang alam nyo na…

    Basta, malaki ang pasalamat ko sa kanya dahil andyan lang sya, simpleng “miss na kita” at “kumusta” galing sa kanya, alam kong okay na ulit ang lahat….

    Kaya eto ako ulit nag b blog about sa nararamdaman ko ngayon eh dahil sayo, LUCKY CHARM….

    Salamat sa laging pag intindi at pakikinig sa mga sinasabi ko, may sense man o wala.

    Hindi na ako makapag hintay na makita ka…

    Salamat at palagi mo akong na aalala…

    Lalo na sa mga panahong kailangan ko ng karamay, ka kwentuhan, simpleng kaibigan…

    SALAMAT…

    Things will get better…

    I know.

  2. Siesta…

    Napanaginipan kita kahapon, naniniwala ako dun sa sinasabi na when you cheat on someone hindi ka lang nag cheat sa kanila, you also take away their self respect, destroy their self confidence!

    Totoo pala yun!

    Nag siesta ako at sa panaginip ko nakita kita, kasama mo sya, parang nanonood ako ng slide show na puro pictures nyo ang laman. Ang sama ng gising ko, napa mura talaga ako, hanggang sa panaginip ko ba naman andun yung panloloko mo?

    Naalala ko ulit lahat ng kasinungalingan mo! Bumangon lahat ng galit na naipon sa puso ko…

    Putang ina mo! Ang sama mo! Napaka walang hiya mo! Sana ma karma ka na! Ang kapal ng mukha mo! Mamatay ka na!!!

    There I said it. Bwahahahahahahaha

  3. Here, the last fuck I’ll give…

    08-08-08

    Yan ang ating anniversary date, kung tayo pa rin that only means na dapat eh apat na taon na tayo ngayon, believe me noong unang araw at linggo na nag hiwalay tayo was the worst feeling I have had in years, kasi alam kong final na talaga yun, wala ng balikan, the end.

    Pero ngayon looking back at February 15, 2012, nagpapasalamat pa ako. 

    Peace of mind, yun ang wala ako nung tayo pa na meron ako ngayon, bakit kamo?

    Before, hindi ko alam kung ano ako sayo, I don’t know where I stand, kung tayo pa ba, na mas madalas pa ang away natin kesa sa magka sundo tayo.

    Kahapon, pinanood ko ulit yung video na ginawa ko para sayo nung 30th monthsary natin, inaasahan kong maiiyak nanaman ako, pero hindi na, wala ring kahit na akong feeling, parang wala lang, parang nanood lang ako ng kung kaninong video sa youtube.

    Andun yung ngiti ko, andun yung saya ko, pero naiwan na yun doon sa video, what I’m trying to say is that, I really am over you.

    You are forgiven but not forgotten. 

    Ito na yun Romel, the last time na iisipin kita, ang supposed to be monthsary date natin every month, yung mga naaalala kong sinabi mo sa akin, lahat ng mga pangako mong walang natupad kahit isa at sa pagpapa tunay mo sa aking wala kang kwenta.

    Pero salamat, salamat at wala ka na sa buhay ko, mas masaya pala kapag wala ka.

    Kasi para kang hanging habagat, hindi ka naman bagyo, assuming ka lang…

    Bwahahahahaha, but I really do wish you good luck.

    Pero mananatili kang panget sa aking paningin, inside out, yun ang hindi na magbabago…. :P

  4. Pag yo yosi…

    2005 nung una akong nag simulang mag yosi, first year college ako nun, yung mga barkada ko kasi lahat eh nag yo yosi, hindi naman sa nakiuso ako.

    Ang kwento nun eh lagi nila akong nabubugahan, intention man o hindi. LOL :)

    So sabi ko, mga hayop kayo, una pa akong mamatay sa inyo sa ginagawa nyo sa akin, turuan nyo nga ako nyan!

    Nung una hindi pa ako maalam, pero hindi naman ako naubo, gusto ko rin yung feeling na after kong mag yosi eh medyo nanghihina ang tuhod ko at parang naikot ang paningin ko :) Gusto ko yung feeling ng “elation” na nararamdaman ko pag nag yo yosi ako.

    Alam kong masama sa katawan yun, nurse pa naman ako. Pero ngayon nasanay na.

    Maraming beses na akong nag quit. Kaya ko naman mga 3 months maximum na hindi nag yo yosi, pero pag na m mroblema ako, una kong hahanapin yosi, pag nag iinuman gusto ko may yosi.

    Ang aim ko talaga this year, tigilan ng mag yosi.

    Sawa na akong papasukin ang maruming usok sa baga ko.

    Ayoko ng mag hithit buga.

    Kung ang pagpapapayat eh unti unti kong nagagawa, samantalang napaka taba ko dati, siguro uunti untiin ko ring bawasan ang yosi…

    Sana kung mag decide akong mag quit, mag tuloy tuloy na…

    Sana…

    Sana..

    Sana.

    Tumatak at mag rehistro na sa isip kong “YOSI KADIRI!”

  5. Nakaka miss..

    Maging Nurse…

    Yung du duty ka ng ganito, magbibigay ka ng saandamak mak na antibiotics…

    Yung wala kang tulog kasi 10pm-6am ang duty mo, so pinag tri tripan mo ang mukha mo…

    Yung mga co-volunteers mo :)

    Food trip and cam whoring sa madaling araw.

    Mag bantay ng mga patient, lalo na yung mga baby :D (PICU)

    MAG CHARTING! :)

    Ma touch…

    Magkaroon ng maraming bagong kaibigan.

    Ma toxic sa ganito karaming pasyente…

    Makabasa ng kung ano anong memo na nakakatawa…

    Mapagod at atakihin ng allergy ON DUTY!

    Matakot sa mga lugar kung saan ka mag lalakad mag isa tuwing madaling araw para kumuha ng lab results.

    Mag paanak… Masaksihan ang bagong “buhay” diito sa mundo.

    tabaching!

    At magkaroon ng hindi makakalimutang experience…

    UNKABOGABLE EXPERIENCE sa isang propesyong minahal mo. :D

  6. Yung feeling na…

    Masaya ka naman sa buhay mo, tapos ganito makikita mo…

    Ayun, napakanta nalang ako…

    Ang sarap maging SINGLE
    Ang sarap maging SINGLE
    Ang sarap maging SINGLE
    Pero mahirap ang mag isa…

  7. My day so far…

    Okay nakatulog ako around 3AM na, kasi nag basa pa ako ng kung ano ano sa wattpad, nagising ako dahil ang nanay ko eh bigla bigla nalang pumapasok sa kwarto ko, sabi ba naman “may nahuling ‘wild cat’ si Aphrodite!” (Aphrodite is my great dane.) so dali dali akong bumaba, nakita kong takbo ng takbo tong aso ko sa palibot ng pool so takot na takot ako kasi baka mahulog at ang sinasabing ‘wild cat’ ni mudra eh ayun prente swimming sa pool TANGINA!

    So itinali ko muna si Aphro, para mai ahon na namin sa pool yung ‘wild cat’ at baka malunod pa, kawawa naman.

    Yun naman pala yung ‘wild cat’ eh ‘LOST CAT’ lang pala! ANAK NG PUSA!

    Basta pagkatapos ng siguro eh 30 minutes din na drama, naiahon na ang pusa, natahimik na si Aphro at nalaman kong 5:30 palang ng umaga! WOW!

    Kaya naman pala feeling ko eh lutang! :))

    Since nawala na ang antok ko, nag kape nalang ako at sinimulan ko na ang pagwawalis sa bakuran namin, then nood nalang ng T.V. hindi ako nag online, masyadong maaga eh.

    Ang winner eh ang naisipang lutuin ni mother for lunch!

    Baked buttered prawns at Sinigang na sugpo. Yum, Yum,Yum!!!

    Eto nga pala yung finished product! :D Hahahahaha

    O sya, yan lang muna…

    Hindi naman “cheat day” pero ang dami kong nakain, kasi test na rin yan kung allergic pa rin ako sa hipon and guess what?

    HINDI NA!!!

  8. Tama na…

    Nagka usap na tayo diba?

    Nagka patawaran na, naging mag kaibigan na ulit.

    Oo andun na tayo, pero sana wag mo na akong i add as friend sa FB. Napaka awkward kasi, oo nga at “friends” tayo pero aminin mong mali at mali pa rin yung ginawa mo sa akin, niloko mo ako ng pagkatagal tagal, nag hintay ako pero pinalitan mo ako, alam mo yun?

    OO masakit, pero totoong pinatawad na kita, sinabi ko na sayo diba? I don’t wanna build a wall between us kaya kahit mga kamag anak mo eh “friends” ko pa rin, pero yung ikaw?

    Wag na. Hindi dahil sa pag makikita ko ang picture nyong magkasama eh nasasaktan pa ako, hindi na…

    Ayaw ko lang na masyado tayong maging “palagay” sa isa’t isa.

    Kahit magkaibigan nalang tayo ngayon gusto ko pa rin yung distansya na hanggang dyan ka nalang.

    Sige hahabaan ko pa ang paliwanag ha?

    Sinabi ko sa asawa mo ngayon na hindi na ako “threat” sa relasyon nyo, kasi yun ang tingin nya sa akin, lalo na ngayon alam nya na pauwi ka and all. Ayoko syang bigyan ng isipin.

    Besides sa totoo lang, mas masaya akong wala ka, na hindi na ka iniisip, kasi yung atin talagang kinalimutan ko na, pag naaalala ko kasi eh nabubuhay yung certain animosity at ayaw ko nun kasi nga iniisip ko “may pinag samahan tayo” hindi rin naman biro yung 3 taon hindi ba?

    Kasi kahit magkaibigan nalang tayo, now you’re just somebody that I used to know.

    Naks gumamit pa ako ng linya ng kanta ah!

    Yun lang, tama na, enough said.

  9. Una muna, gusto kong batiin tong taong to ng maligayang kaarawan! :D
Hahahahaha as if naman maiintindihan nya ito ano?
Anyway, sisimulan ko na ang istorya nyang lalakeng yan sa buhay ko.
Sya si HAMID MOHAMMAD HAIDAR….
Anak sya ng ex husband ng mommy ko na si Tito Mohammad, Lebanese. 
Noong nasa U.A.E. pa ako, since mag ex ang mommy at ang tito sanay na ako na civil pa rin sila sa isa’t isa at nung 6 years old nga yang si Hamid eh sa bahay namin iniiwan kasi Summer vacation ko nun. Alam nyo bang may bulutong yan sa amin naka stay? Tang ina ha? Hindi pa kaya ako nag kaka bulutong!
Aaminin ko, mainit ang dugo ko dyan sa batang yan, hindi ko man lang nagustuhan yan at mainit ang ulo ko everytime na nasa amin yan, since bata pa sya nun at ang kulit nya!
Since wala akong kapatid at sanay akong walang inaalagaan, spoiled ako at immature so hindi ko yan pinapansin, as in I just don’t give a fuck kung andun sya sa house namin, nanonood lang ako ng T.V., nakikipag telebabad, as in ini ignore ko sya.
Pinaka nakaka bwiset na ginawa nyan sa akin eh nag sumbong sya sa tito Mohammad na pinapalo ko sya, da fuq! Ni hindi ko nga sya tingnan, lapitan, pag buhatan pa kaya ng kamay?
So ang “Kalbo” nag sumbong kay mommy na ginaganun ko ang anak nya, letche, I swear lampas 2 bwan akong hindi kinikibo ng mommy, advantage eh hindi na ulit sa akin iniiwan ni Hamid, disadvantage, kibuin ako o hindi ng mommy para akong hangin. hahahahahaha
Pagkatapos ng ilang bwan na ganun ang setting sinabi lang ni Hamid na hindi naman totoo yung sinabi nyang pinapalo ko sya (EH PUTA HINDI NAMAN TALAGA TOTOO EH!) tsaka lang umokey ang pakikitungo sa akin ni mommy, so Imagine the HATE na meron ako jan sa batang bwiset sa buhay ko na yan.
After nun every weekend pag pareho kaming walang pasok, nasa amin yan, nag pupunta kami sa mall, nanonood ng movie sa mall, at since bata pa sya nun iniiwan ko yan sa Action Zone, pinaglalaro ko sya dun.
Buti nalang at bata pa ang hitsura ko nun at hindi ako napapagkamalang katulong nyang hayup na yan, since lagi kaming magkasama.
Galit ako sa kanya kasi mahal sya ni mommy, nagseselos ako sa kanya kasi pag may gusto yan, binibili ni mommy, parang sya yung anak, sya yung gustong maging anak ng mommy! Alam ko naman yun eh, hindi sila nagkaanak ng tito Mohammad, so feeling nya kung nagkaanak sila ng tito si Hamid yun.
Kesa ma bwiset ako ng todo, ginawa ko, pag may gusto ako na alam ko namang hindi ibibigay sa akin ng mommy, si Hamid ang pinagsasabi ko…
Halimbawa, gusto kong kumain sa McDo, ke Hamid ko sinasabi, edi dun kami kakain.
Gusto kong manood ng ganitong movie, pinapanood namin yun, gusto ko ng video game, sa kanya ko sinasabi. Sasabihin ko dyan, “Sabihin mo kay mommy na ibili ka ng ganito.”
At since na develop na rin yung “takot” nya sa akin at gusto nya lagi akong i please, sumusunod sya sa gusto ko.
At nakukuha ko ang gusto ko sa pamamagitan nya. Ganun ako kasama! LOL :))
Naging close kami mga 9 years old na ata sya nun, we took up Karate lessons together at nakaabot naman kami hanggang GREEN BELT! Hahahaha, basta!
Nasanay na rin ako na andun sya sa amin, na sya yung lagi kong kasama, ako nag co computer sya eh na nonood ng kung ano anong cartoon, minsan pag pambata ang palabas na movie, kami ang nanonood.
Na isip ko, wala namang mangyayari kung i ha HATE ko sya, magagalit lang sa akin si mommy so sinanay ko yung sarili ko na itolerate yung kakulitan nya, ganun talaga ang bata, eh ako pala patol at ako eh isip bata! :))
Minsan nagpupunta kami sa park, nag lalaro lang ng kung ano ano, sabi ko sa sarili ko, parang ito yung kapatid na wala ako. Nag tutulungan kami sa assignments, tinuturuan nya ako ng Arabic, sya naman tinuturuan ko sa English.
Nabuo na yung BOND.
Nung umuwi ako ng pinas, sabi nyan minsan nagkausap kami na miss na daw nya ako, alam kong totoo naman yun, kahit minaltrato ko sya hahahahahaha
Tinatabi pa rin nya yung gitara na binigay ko sa kanya, yung mga video game namin nasa kanya pa, at ang pinaka na touch ako eh isinusulat pala nya lahat ng movie na pinanood namin together tsaka tinatabi nya yung movie tickets so alam nya kung ano at kailan namin yung pinanood….
Haaaayyy kung makikita ko yan ngayon? Yayakapin ko yan ng mahigpit, mag so sorry ako dun sa mga panahon na naging “BAD SISTER” ako sa kanya, na ini ignore ko sya. Kaya lang awkward na kasi alam ko binata na yan ngayon!
Baka ngayon pag may nakakita na kami eh magkasama eh may malisya na at kung anong isipin sa aming dalawa. Pero forever Habibi ko yang isang yan…
Sabi nyan sa mommy ko, hindi man daw sya galing sa tyan ng mommy ko, sa puso daw nya, ang mommy ko ang “MOMMY” nya at ako ang BIG SISTER nya.
Oh diba? Nakaka touch and that makes me feel worse dun sa nagawa ko sa kanya dati, pero it’s over, bata pa rin ako nun at immature, selos ako sa relationship nila ng mommy.
Pero naiisip ko pag magkakasama kaming 3 nina mommy, masayang masaya kami.
Nakaka miss lang yung pag kain namin sa labas, yung panonood namin ng movie, panonood ng cartoon, pag punta sa mga park at pag ka Karate! :))
Kung maiintindihan nya to at mababasa, gusto kong sabihing sorry, salamat at miss na kita.
Naiinis ako sayo kasi ang kinis at ang puti mo kahit ka lalaki mong tao! hahahahaha
Naiinis ako kasi bakit nga ba hindi tayo naging tunay na magkapatid!
Inaaway kita at ini ignore pero kung may aaway sayo, handa akong ipag laban ka! Tanda mo yung bully sa mall? hahahaha
Nung may sunod ng sunod sa aking local na kahit kapiranggot ka eh umasta kang kaya mo akong ipag tanggol?
I appreciate that Hamid, yung bagong taon at birthday ko na sabi mo best day ng buhay mo yun kasi nag paputok tayo ng water balloons at ang dami dami nating kinain? 
Tapos yung mga dino drawing mong kung ano ano lang?
Ice skating sa Al Ain Mall… 
Kumain sa Chilis, pumunta sa Abu Dhabi at bumisita sa mga tita Dora!
Hahahahahaha
Love/Hate relationship meron tayo, pero diba ganun ang mag kapatid?
Ngayon, binatang binata ka na, matalino pa, nakuu malamang maraming hahabol na babae sayo, pero mag aral ka muna ha?
Yung pangarap mo para sayo at sa Daddy mo tuparin mo, sana makadalaw ka dito sa Pinas, miss ka na namin ng mommy, sana rin makabalik ako dyan!
Ako na ngayon ang parang si “mommy” na ibibigay kung ano man ang gusto mong “laruan” na baka ngayon eh “gadget” na! :)
Hala! Ang haba na ng kwento ko, anyway…
Happy Birthday my brother from another mother! :) 
We love you and we missed you soooo much!
Good luck dyan sa AS exam mo, kahit I’m certain na kayang kaya mo yan! :)
I’m proud of what you’ve become brother.
-Shebop

    Una muna, gusto kong batiin tong taong to ng maligayang kaarawan! :D

  10. Random memory of him…

    Dati, sinulat ko buong love story namin sa notebook kasi wala kaming originality at gusto naming gayahin yung ginawa ni Allie kay Noah sa “The Notebook”.

    Back then, uso na rin ang email, chat at kung ano ano pang paraan para mapadali ang communication, pero tayo eh nagpapaka old school. Anyway I just want you to know that even though I told you that I burned it, I lied.

    Everything you game me from the guitar to the last letter is still with me, hidden but not lost. :)

    Pero may isa… Remember the “wedding ring?”

    that moment when we’re in your car and it’s my birthday and I can’t stay out for so long so out of the blue you took something from your pocket. I can still remember every details of that ring, it was a tri color gold ring, with a wave design. :)

    As you put it on my finger, you were saying “with this ring I, thee wed.” and at that time, pigil na pigil akong wag umiyak, we just kissed and I ran back the house, do you remember that? *sigh* The first thing I did when I reach our house was I ran to the bathroom, admire the ring, still in euphoric state that time, then slowly remove it, teary eyed and kept it.

    Then nung ninakaw sya sa akin, sabi ko parang “sign” na din yun that time na we’re falling apart. My only regret is that hindi ko man lang sya nakunan ng picture. Yung hitsura nya, nasa memory ko nalang.

    Pero yung isang ring na bigay mo, sinusuot ko pa, paminsan minsan :)

    Ammm…

    Lahat yang istoryang yan andun sa Notebook na ginawa ko, pero yung pag kwe kwento ko dun, mas detailed, mas malalim..

    Bakit kaya biglang pumasok tong memory natin na to?

    Okay, may bagong “kinahuhumalingan” ang mga madlang people ngayon, ang Wattpad. Dun pwede kang mag sulat ng kung ano anong story, either fact or fiction, short, long, may mga categories pa.

    Sabi ko sa sarili ko, iba na talaga technology ngayon. Naisip ko, i publish ko kaya dun yung lahat ng nakasulat sa notebook?

    Parang gusto na ayaw ko.

    Gusto ko kasi, gusto kong maraming makaalam kung paano tayo nagmahalan.

    Ayaw ko kasi, pag ginawa ko yun, parang madudurog ulit ang puso ko, Hahahahaha.

    Tama na sa aking tingnan paminsan minsan kung gaano ko pinaganda ang hand writting ko nung sinulat ko yun, tsaka kasama nya yung mga letter mo tsaka yung magazine kung saan ka na feature, pati si Archos andun, medyo may kalakihang box din yun, hindi nga lang talaga kasya dun si “Vintage” (the Fender Electric Guitar).

    Ayun…

    I remember you.

    The ring somehow looks like this, but with a little more curve.

  11. Habang nagdidilig…

    Minsan ang idea eh pumapasok nalang bigla bigla sa isip mo, walang pinipiling oras at panahon kung kelan gustong bahain ng kung ano anong thoughts ang isip mo.

    Tulad kanina, since wala na dito ang tito ako na ang tokang mag dilig ng halaman.

    Napansin kong medyo natutuyo na nga sila, tapos yung iba uhaw na uhaw talaga sa tubig.

    Nakita at napag masdan ko yung puno na bigay ng ex boyfriend ko sa akin, dati sapling palang yun noong binigay nya, ngayon puno na, ang taas pa!

    So it hit me, a simple realization. Ironic pero here it goes…

    Ang pag-ibig ay parang halaman, kung hindi mo didiligan, malalanta o kaya mamamatay…

    Pero ang halaman pwedeng may ibang mag dilig nyan… Tulad nung halaman na bigay nya, mabibilang sa dalari sa kamay ko kung ilang beses kong nadiligan yun, pero ngayon buhay pa at malaki pa nga, eh kasi iba ang nagdidilig…

    Parang yung pag-ibig ko at pag-ibig nya sa akin, tuluyan ng nalanta at namatay, kasi hindi na nadiligan. Pero ang pag-ibig nya sa iba? Buhay na buhay (may nabuo pa ngang buhay! LOL) eh kasi laging nadidiligan… :)

    Magulo, kumplikado. Gusto kong i explain ng todo, pero hindi ko alam kung paano. Sa nakaka alam ng buong istorya namin, siguro madaling makuha yan.

    Kayo ba? Gets nyo kung anong katarantaduhan yang pinag sasabi ko?

    hahahahahahahahaha

    Eto na sya :)

  12. Kahapon…

    Lumuwas kami ni ate Joan, kasi kukunin nya yung pina red ribbon nya sa DFA, so after nun, medyo malakas ang ulan, dapat mag di Divisoria kami, kasi mamimili na sya ng mga ddalhin nya since aalis na sya papuntang Qatar sa 27 :(. 

    Anyway instead na mag Divisoria, nag SM Makati nalang kami, ewan ko kung i kwe kwento ko yung mga nangyari, kung sinong nakita ko, parang gusto kong sarilinin, pero inuulit ulit ko sa utak ko yung mga naganap…

    Napakasaya ko, alam mo ba yun? Napaka habang taon kong hinintay na mangyari yun… lampas kalahating dekada! LITERAL! Hahahahaha

    Hindi ko alam ang i a arte ko, hindi ko alam kung paano ako kikilos… Parang hindi ako si Kristina na 27 years old, parang ako ulit si Kristina na 18 years old… NENENG NENE!

    Hindi kayang i describe yung naramdaman ko, parang biglang lumipad ang oras nung makita ko sya, parang walang ibang tao sa paligid, it was magical. Parang kaming dalawa lang ang tao sa buong mundo, ganun ata talaga ang pakiramdam…

    Hindi nawala ang pag mamahal… Buong buo, intact andun pa lahat…

    Ang masasayang alaala na habang buhay ko na yatang dala dala. 

    Nagumpisa sa pag halik mo sa aking pisngi at nagtapos tayo sa isang mahigpit kong yakap sayo…

    Sana sa yakap na yun naramdaman mo kung gaano ako kasaya na muli kang makita, mahawakan ang kamay mo, makausap ka. Grabe! Para pa rin akong nananaginip.

    Habang pauwi ako, ikaw lang ang laman ng isip ko, salamat… Salamat sa lahat.

    Ang dami kong na realize, hindi kayang i describe ang naramdaman ko, ewan ko kung ilang araw o bwan akong magkaka hang over dahil sa nangyari kahapon.

    Baka kung sinong makakabasa nito isipin eh may nangyaring “bastos”, sorry to inform you followers or lurking strangers, wala pong nangyari. Mamatay man ako :)

    It was a magical meetup of two people, dalawang taong nagmahalan noon.

    ehem, need I say more?

    Kung ito na ang huli nating pagkikita (I hope not), gusto kong malaman mo na andito lang ako palagi para sayo. Salamat at dumating ang isang katulad mo sa buhay ko.

    It was all that I’ve been waiting for since 2006.

  13. KWENTO…

    Patungkol sa sinabi ko kung bakit tingin ko eh talagang maliit ang mundo…

    My EX is now married with a girl na may anak sa pagkadalaga at they are happy together, since bitter pa rin ako aminado naman ako, hindi ko talaga maiwasan ang minsang pang i stalk sa mga profile nila, kahit private tinitingnan ko pa rin, ganun ako ka tanga at ka bitter, sino ba namang hindi ma bi bitter kung yung lalaking yun eh saksakan ng gwapo at talento? hahahaha at eto pa nga tsong at tsang, lahat ng pangako nya sa akin eh tinupad nya dun sa isa, mula sa “hindi iiwan, hindi papabayaan” at sa malutong na “pakakasalan kita at magsasama tayo pagtanda”! Oh diba? at take note, pareho kami ng birthday ni girlie at nung tinanong ko sya kung bakit? sabi ng mokong “she’s so much like you” ASSDFGHJJHGSFASDD!!!!!!!

    Ayun so blah blah, tapos na kami, matagal na pero hindi pa rin ako maka move on, maybe because talagang sya ang aking first love at ika nga first love never dies tangina!

    Ang kwento…. I fight the urge na hindi tingnan ang profile nila sa facebook, talagang ginawa ko yun kasi, nagsasawa na rin ako, pinakawalan ko na at pinatawad ko na sila at ang sarili ko sa mga anngyari, past is past!

    Pero kanina sa facebook, may nag share ng link tungkol sa isang nawawalng babae, yung babaeng yun eh ka school mate ko RN din, baka nga pala makita nyo ang babaeng itatago ko sa pangalang Coleen G., ipag paalam nyo sa mga kina uukulan ha? At yun BOOM ang daming comment dun, may ibang meron pang masamang sinasabi kay Coleen at may nag comment na isang babae, I swear wala akong idea na si girlie yun may nag comment lang na tuwang tuwa sya sa comment ni girlie at nang balikan ko at napag tanto ko na sya nga yun, ang wife ni EX. Nagulat ako, wow, God ano ang leaning ko dito? anong senyales ito? Feeling ko gustong alamin ni God ang tunay na kalagayan ng aking puso sakaling makita ko ang babaeng umagaw sa akin ng lahat JOKE (half meant)!

    At God ito ang sagot ng aking puso…

    Nung una kong makita ako ay talagang nagulat, pero hindi ko na pinuntahan pa ang profile nya na lagi kong ini stalk noon… Wala na rin akong naramdamang sakit, kirot, hapdi, katulad ng mga nararamdaman ko noon, I really did MOVE ON…. Napatawad ko na si Ex, napatawad ko na sila, masaya ang buhay, hindi ko na sasayangin ulit para maging vain at bitter sa kung anong nangyari nun, lagi ko ring iniisip na may GREATER PLAN si God para sa akin at totoo yun, hindi lang para sa akin kundi para sa lahat ng tao. I thank God na naramdaman ko ngayon yung “PEACE” na matagal ko nang hinahanap, ito lang pala ang hinihintay ko, ang hindi sinasadyang pagkakita ulit sa kanya. 

    Kaya ito nga ang nasabi ko…

    Maliit lang talaga ang mundo, kahit ang world wide web maliit din… Ang tagal kitang hindi inisip, ni tiningnan, nagulat pa ako nung makita ulit kita, buti nalang nung kapain ko ang nararamdaman ko… WALA NA =) I’m so happy! Thank God.

About me

Two People In One

Two people in one, one happy, one sad,

Two sides of me, one mad and one glad.

There's only one side I try to let show; my feelings inside the others don't know.

I'm two people in one, as strange as that sounds, the real me inside no one has found.