Oh akala mo limot ko? Kahit naman inabandona mo ako eh alam ko pa rin ang birthday mo.
Nung birthday kasi ni mommy puro nakaka touch ang mga sinabi ko, ngayon ewan ko, pero wag kang mag alala. Hindi naman kita susumbatan sa harap ng wala pang isang daan kong followers :)
Kung nasaan ka man ngayon, sana okay ka lang. Sayang ano?
Pero alam ko naman kung wala ka eh wala rin ako.
Pinatawad na naman kita sa lahat ng ginawa mo sa amin. Kasi naging okay naman buhay namin ng mommy kahit wala ka.
Laking pasalamat ko sa mommy at nakaya nyang itaguyod ako kahit mag isa.
Alam mo kung anong hindi ko makakalimutan?
Tanda mo nung grade 5 ako? Nakita ko yung papel kung saan nakasulat kung sino ang beneficiary mo? Hehehe
Tanda mo rin yung inasal mo nung bago ako grumadweyt ng college? Yun ang huling beses na nakita ka namin. Pero hay naku, yun ang hindi ko makakalimutan.
Ngayon, ipinag darasal ko nalang na maayos ka jan.
Pagaling ka…
Tsaka baliktarin man ang mundo tatay pa rin kita.
Kung wala ka eh wala ako.
Hindi lang tayo nabigyan ng pagkakataon na magkasama para makilala kita o tipong mahalin kita bilang ama.
Hindi ko alam kung masakit rin sayo na hindi kami nakasama habang lumalaki ako.
Pero everything has a reason diba?
Baka talagang sperm cell lang ang itinakdang maging ambag mo sa buhay ko.
Oh well…
Yung lang.
Happy Birthday.


